WITH or WITHOUT?

WITH or WITHOUT?

OO  NA, PARANG BATA NA, EH BAKIT BA? YAN TALAGA PABORITO KO SINCE BATA PA KO IH :p

OO  NA, PARANG BATA NA, EH BAKIT BA? YAN TALAGA PABORITO KO SINCE BATA PA KO IH :p

Yung totoo… hindi ko sila kilala ang alam ko lang barkada sila ng tito ko na ginawa kong photographer tapos naki-groupie na. :D

Yung totoo… hindi ko sila kilala ang alam ko lang barkada sila ng tito ko na ginawa kong photographer tapos naki-groupie na. :D

@ Amenia Beach Resort San Andres, Catanduanes
Mas ok sana ang sunset kung may kadate.. kaso wala ih —,

@ Amenia Beach Resort San Andres, Catanduanes

Mas ok sana ang sunset kung may kadate.. kaso wala ih —,

@ bon-ot beach San Andres, Catanduanes
beach is <3

@ bon-ot beach San Andres, Catanduanes

beach is <3

Hello tumblr! (:

Hello tumblr! (:

Mga bagay na wag mo na dadalhin sa 2014
1. Old Regrets.
2. Excuses that you always give your self.
3. Stop caring about the things that you didn’t have.
4. Comfort zone.
5. Fear of failure.
6. Relationships that brought happiness out of you.
7. Being rewarded for every good deeds you do.
8. Being judgemental.
 
Nakakatawa nga kung iisiping ang damdamin mo, pagkatao, ala-ala, at isipan, ay nagmumula lang pala lahat sa maliit na karneng nasa ulo mo.

- Bob Ong

a strong person knows how to keep their life in order even with tears in their eyes, they still manage to say ‘Im ok ’ with a smile
Sa isang pananakit ng isang tao sayo, pwedeng magbago ang buong katauhan mo..
Masarap mahalin ang ugali kesa mukha. Pero mas masarap suntukin ang mukha dahil sa ugali :)
The more you spend time with the one you love, The more harder it will be letting them go..
Minsan kailangan kong ngumiti kahit di ako MASAYA, alam nyo kung bakit ?
Unfair naman kasi yun sa mga taong naghihintay ng ngiti ko, mabuo lang ang araw nila
Must Read!! VERY TOUCHING STORY,MAY TAO PA KAYANG GANITO SA NGAYON? SANA NGA MARAMI PA!!!

"ANG BALIKBAYAN"

Isang araw sa bansang Estados Unidos, abala si Lucas sa kaniyang mga dadalhing pasalubong sa pagbabalikbayan. Halos 25 taon na rin ang lumipas mula ng iwan niya ito sa edad na 16. Kasama niyang namumuhay sa Amerika ang kaniyang mga magulang at dalawang kapatid. Dito na sila nanirahan at isa na silang “American Citizen” sa ngayon. Nakapag-asawa na rin si Lucas sa Amerika. Isa ring
Pilipina na si Maria Cristina. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na nasa 12 taong gulang na ngayon.

“bakit mo naman naisipan na magbalik bayan ha, Lucas?” usisa ng kanyang ina na si Mom Lailani

“gusto ko lang pong maglibang sa aking sariling bansa”

“iiwan mo kami rito e kaarawan mo sa araw ng Pasko alam mo ba yun?”

“inay, unang nagpapasko ang Pinas, kinabukasan pagkatapos ng Noche Buena sa Pinas, babalik ako dito, icecelebrate pa rin natin ang kaarawan ko, siguro mga alas 11 ng gabi ng Dec 25 o a bente sais dito sa tate ang balik ko kaya hintayin niyo ko, itry ko talaga, masyado na akong busy next year baka di na ko makapagbalikbayan”

“kelan ang alis mo rito?” “bukas , Dec 15, mga sampung araw ako roon, magsisimbang gabi ako, nay halos 25 taon akong di nakabalik ng bansa, kaya wag niyo na akong tutulan”

“sino naman ako na tututol, ang mahalaga, masaya ang anak ko, ang problema kay Cristina, papayag ba siya?”

“nag-usap na kami inay, pinayagan niya ako, gusto ngang sumama, kaso maraming trabaho at si Jasmin na anak namin walang magbabantay, alam niyo naman dito sa Tate, youth are wild kapag di nagabayan”

“where are they nga pala anak?” “there, at the park nag-eenjoy sa snow, medyo makapal ngayon sa NY, kaya nageenjoy sila riding in ski”

“di ka sumama?”

“prepare all things muna Ma, mahirap bukas mag-ayos”

“saan ka tutuloy sa bahay natin?” “yap tumawag na ako kay Cousin Jennifer, she prepares all things there for me, mag papa cater ako sa birthday ko doon, closing the street of Marigold he he he”

“me pupunta kaya e lahat me handa that time pasko e” tanong ng ina

“mag-papalaro ako at mamimigay ng gift” tugon ng huli

“ikaw ang may birthday tapos ikaw ang mamimigay?”

Ma, si Jesus ang may birthday, iyon ang mas mahalaga, kung me mag-greet sa akin magbibigay ako ng gift sa kaniya, sa unang babati lang ha”

“bakit di mo ba ipapaalam na birthday mo anak?”

“doon ako lumaki sa Marigold Ma, halos lahat ng neighbor natin alam na birthday ko kapag pasko, kaya lets see the results, na mimiss ko na rin mga long lost friend ko specially yung kababata kong si John Paul, saan na kaya siya ngayon”

“sino yun yung taga slum area?”

“yeah, siya yun pero mabait yun kahit mahirap lang he’s one of my great friend, di ba siya nag Valedictorian noong primary ko, nakapag-aral kaya siya, kasi nong High School bigla siyang nawala at nawalan ako ng balita sa kaniya, lalo na ng dinemolish na ang slums”

“di mo na makikita yun baka lumipat ng bahay, maybe nakapag-abroad na matalino e, maybe he’s now a great engineer or something, I know magaling sa Math yun, di mo kaya e kaya third honorable mention ka lang anak”

“ha ha ha! oo nga Ma reminiscin ka ha, magaling nga siya sa Math, I miss him sana ma meet ko, pero kahit sina Kabron at Tope, ma-meet ko lang ang mga kalog kong friends e masaya na ako”

“Von voyage anak, sana maging masaya ka sa kaarawan mo”

“thanks Ma, (tsup! humalik sa noo)) bayaan niyo me pasalubong kayo sa akin na daing na pusit, don’t forget to greet Jesus ha, siya ang may birthday second lang ako ha ha ha”

“ikaw talagang bata ka, of course, sige anak maiwan na muna kita”

“nice talking to you Ma” “okey, see you at the dinner anak”

Nakarating ng Pinas si Lucas, nagsimbang gabi ito. Pinuntahan niya ang mga dating kaibigan.

“gwapo mo at mataba pare, sarap talaga mamuhay sa Tate ano?” wika ni Kabron na kababata ni Lucas

“di naman, hiyang lang, oo nga pala si Tope ba san na ngayon?” “patay na siya pare, nasagasaan tatlong taon na ang nakararaan, lasing kasi ng tumawid sa daan, laging naglalasing kasi mula ng mamatay ang anak niyang 8 taon sa dengue”

“dengue? “oo iyong sa lamok galing, nakamamatay iyon”

“I heard that in US, mostly sa tropical part of the world, mosquito na lumalabas tuwing 5am to 6am at ganun din sa gabi ,kaya dagdag ingat kayo of course pati ako, ay naku buhay talaga , hmmm, saan ka man naroron Tope, kumusta na lang, oo nga pala sa Dec 24 ng alas 3PM, maghahanda ako sa bahay, pupuntahan ko si Chairman para sa permit”

“permit saan?” “ipasasara ko ang Marigold Street, maghahanda ako, magpapalaro may mga papremyo, kahit bata matanda pwede pumunta, mag rerent ako ng comedian, clown o magician”

“wow galing naman, sige tutulungan kita diyan”

“of course kaya nga pinuntahan kita e, how much ba?”

“ikaw naman, di naman ako nagpapabayad”

“joke lang Kabron he he he, oo nga pala wala ka bang balita kay John Paul?”

“wala pare alam ko pina demolish ang iskwateran e, mula noon di ko na nakita”

“ganon ba, sayang, di bale sige pare tulungan mo ako ha?”

“yes yes yes!” sagot ni Kabron

Dumating ang takdang araw, maraming bisita si Lucas, masayang masaya siya, nagdatingan din ang mga kamag-anakan niya sa Pampanga. Maraming bata ang nabiyayaan ng regalong inihanda niya. Masaya ang lahat sa mga programa at palaro. Masasarap na pagkain din ang kaniyang inihanda.

“pare laki ng ginastos mo mga magkano lahat ito?” tanong ni Kabron “umabot ng 150,000 pero masaya ako wala sa akin ang pera basta masaya ang pagbabalikbayan ko”

“tutal malaki naman ang kita mo sa Tate bilang Engineer, abot ka siguro ng 300,000 a month sa piso” “di naman, tama lang pampamilya”

“oo nga pala salamat sa regalo mong Adidas Rubber shoes, ang ganda”

“welcome pare, pasensiya ka na yan lang nakayanan ko” “sus ikaw naman ganda nga e”

Isa-isang nang umaalis at nagpaalam ang mga bisita ni Lucas. Hahabulin kasi ng mga ito ang Noche Buena sa kani-kanilang bahay. Maraming di masyadong uminom ng alak at kumain. Ipinabalot niya ang mga pagkain sa iba at ipinamigay. Naging abala ang lahat. Walang nakaalala ng kaniyang kaarawan. Tanging pasko lang ang tanging nasa isip ng lahat, wala rin siyang narinig na pagbati kay Hesus. Maging si Kabron ay di naalala ang karawan ni Lucas.

“Kabron, pwede ka nang umuwi naghihintay na pamilya mo parating na ang Pasko” wika ni Lucas

“sige pare, salamat, bukas bago ka bumiyahe pabalik puntahan kita rito ha?”

“sige pare hintayin kita” Nag-uwian na ang lahat ng makita niya ang isang magbabalot na kanina pa nakatingin sa kaniya.

“pare, nagtitinda ka pa rin e pasko na, halika kumain ka muna” wika ni Lucas

“salamat po, kailangan po kasing magtrabaho me sakit ang nanay ko, matanda na po kasi e”

Gutom na gutom na kumain ang magbabalot.

“magkano ba lahat iyan at papakyawin ku na” tanong ni Lucas “60 po lahat ng itlog, 4 po ang puhunan ko sa isa, ibebenta ko po ito ng sampu isa para may sais akong tubo, bale 600 po lahat ng itlog, tubo lang po ako ng 360, ibawas pa po ang patrabaho sa paglalaga na 40, malinis na 320 lang ang kita pag nabili lahat”

“whew! nalito ako roon ha, galing mo sa kwentahan pero ,sold! eto 2 libo, pamasko ko na iyan sa iyo, bili mo ng gamot ang nanay mo ha?”

“naku maraming salamat po sir salamat po” “okey lang iyon Pasko naman e, siyanga pala ano pangalan mo?”

“John Paul Mangahas sir”

“Jo..John Paul!” gulat na nasambit ni Lucas

“yes sir, kilala ko nga kayo, kayo po si Lucas Madrigal kaklase ko po kayo sa San Andres Elem. School, HAPPY BIRTHDAY SIR”

“ha! alam mo birthday ko, ha ha ha ikaw nga si John Paul, what happen to you?”

“mahirap lang kami sir, after high school di na ako nag college, tinulungan ko na lang nanay ko sa pagtitinda, namatay na rin tatay ko ten years na, medyo ganito lang po talaga ang buhay ko, but tanggap ko po ito”

“don’t ever ever call me sir John (niyakap niya ito) ikaw lang ang bumati sa akin ng happy birthday, you know may gift ako sa unang babati sa akin, and that is I will bring him or her to USA to work with me, any work na pwede niyang gawin, I’ll prepare all the things sa documents, kahit mahirap kunin ito aayusin ko at gagastusan, ikaw pala iyon Paul”

“salamat po pero ang nanay ko diko maiiwan, me sakit po siya e”

” telka nga muna wag mo akong ipo o opo ha, we are the same human sige, I double the price, tell your mom kasama siya ipagagamot ko siya roon, my wife is a doctor there, deal?”

Umiyak si John, tumulo ang kaniyang mga luha at dumaloy hanggang sa leeg, may halong kasiyahan ang kaniyang mga mata, yumakap ito kay Lucas.

“Happy Birthday Lucas, salamat, wala naman kaming mga dokumento para makapunta doon”

“ako ang dokumento mo John Paul , ops siya nga pala sino ang may Birthday ngayon?”

“ay si Jesus din pala, Merry Christmas, and happy birthday pala kay Jesus para ka pa ring elementary Lucas”

“good at don’t ever ever forget na ang pasko ay kaarawan ni Jesus, pangalawa lang ako ha ha ha, tara at pumunta tayo sa inyo, doon ako magpapasko, dali at 30 minuto na lang pasko na”

“a..a kakahiya Lucas sa ilalim lang kami ng tulay nakatira”

“e di sa ilalim tayo ng tulay mag noche buena, ha ha ha!, Jenny ikaw muna bahala sa bahay aalis lang kami ng kaibigan ko! wika ni Lucas

“sige kuya ako na bahala” sagot ni Jennifer na kaniyang pinsan.

Umalis ang dalawa, naglakad lang ang mga ito,nakaakbay pa si Lucas kay John Paul habang bitbit ang basket ng balot. Tuwang-tuwa ang mga ito. Ito na ang huling pasko ng pamilya ni John Paul sa Pilipinas at sa Amerika na sila maninirahan ilang buwan simula sa maningning na araw na iyon.

WAKAS.

"Chances are not given to make things right, but are given to prove that we could be better even after we have faiLed for so many times.."

Kienie Dora
Hey! Thanks for visiting! (:
By the way just call me Kienie.
Half human. One fourth cat. One fourth vampire.
I love adventures and traveling. I'm a frustrated DORA without map.
And now I'm lost, can you find the map for me? :)